GMA Logo MAKA LOVESTREAM stars Sean Lucas and Chanty
What's on TV

'MAKA' OST 'Infatuation' by Sean Lucas and Chanty now available for streaming

By Aimee Anoc
Published September 17, 2025 7:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcelito Pomoy nang makamayan si Donald Trump sa isang event: 'Once in a lifetime lang po 'yon'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA LOVESTREAM stars Sean Lucas and Chanty


Mapapakinggan na sa digital music platforms ang original soundtrack ng 'MAKA' na "Infatuation" na inawit nina Sean Lucas at Chanty.

Kilig ang hatid ng MAKA love team na sina Sean Lucas at Chanty o Seanty sa bagong original soundtrack ng MAKA na "Infatuation."

Mapapakinggan na ngayon sa Spotify, YouTube Music, iTunes at iba pang digital music platforms ang "Infatuation" na inawit mismo nina Sean at Chanty.

Naglabas din ang MAKA ng recording video nina Sean at Chanty para sa "Infatuation," kung saan dumagdag sa kilig ang ilan sa mga sweet nilang eksena sa MAKA: Next Chapter.

Ang "Infatuation" ay composed ni Harry Bernardino at produced ni Rocky Gacho.

Pakinggan ang "Infatuation," DITO.

Para sa mas marami pang kilig moments, subaybayan sina Sean Lucas at Chanty bilang Kurt at Stacy sa unang yugto ng MAKA LOVESTREAM na "28 Days," tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI CHANTY SA GALLERY NA ITO: