
Maaari nang mapakinggan ang cheer dance remix ng original soundtrack ng MAKA na "Makakaya" sa Spotify, YouTube Music, at iba pang digital music platforms.
Napakinggan ang cheer dance remix ng "Makakaya" sa ika-14 episode ng MAKA Season 2 na napanood noong Sabado, May 10. Ginamit ito sa cheerdance ng MAKA barkada kasama ang guest artist na si AC Bonifacio.
Inawit ang "Makakaya (Cheer Dance Remix)" ng MAKA cast members na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, Chanty, John Clifford, Marco Masa, Olive May, at Sean Lucas.
Ang "Makakaya (Cheer Dance Remix)" ay compose ni Ann Margaret R. Figueroa, re-arrange ni Kenneth R. Reodica, at mix ni Harry A. Bernardino under GMA Playlist.
Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: