
Magkakaaminan na ng feelings sa hit youth-oriented show na MAKA ngayong Sabado, June 28.
Paniguradong muling kikiligin sa asaran, kulitan, at seryosong usapan ng MAKA love team na sina Sean Lucas at Chanty.
Sa teaser na inilabas ng MAKA, si Chanty ang napiling representative sa senior high para sa magaganap na Mr & Miss MAKA. Kita naman ang pagseselos ni Sean nang malaman kung sino ang gwapong makakapareha nito--si Romeo (Matthew Uy), ang Mr. Dreamboy ng kanilang prom.
Tila umaayon naman ang pagkakataon kay Sean nang pumayag si Chanty na siya ang maging bagong kapareha nito matapos na maaksidente si Romeo.
Magagawa kayang seryosohin ni Sean ang pageant na mahalaga para kay Chanty? O magiging dahilan ito nang hindi nila pagkakaunawaan.
Mahalaga para kay Chanty si Sean at gusto na rin niyang malaman kung ano ang nararamdaman para sa kaniya ng binata. Ano kaya ang totoong feelings ni Sean para sa dalaga?
Samantala, abangan ang pagdating ng new boys ng MAKA na sina Anton Vinzon, Raheel Bhyria, at Sparkle Campus Cutie winner Mad Ramos ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang teaser ng MAKA episode 20 dito:
MAS KILALANIN SI CHANTY SA GALLERY NA ITO: