GMA Logo MAKA season 2
What's on TV

'MAKA' season 2, mapapanood na sa February 1

By Aimee Anoc
Published January 22, 2025 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA season 2


Sinu-sino kaya ang mga magbabalik at ang bagong cast members na bubuo sa MAKA season 2? Alamin dito.

Simula February 1, mapapanood na tuwing Sabado ang bagong season ng hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.

Magbabalik sa MAKA season 2 ang Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Olive May, John Clifford, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa.

Muli ring makakasama sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Madadagdagan ang paboritong Gen Z barkada ng bagong cast members na sina Elijah Alejo, Bryce Eusebio, Shan Vesagas, at Josh Ford.

Ididirehe ni Direk Frasco Mortiz ang ikalawang season ng MAKA.

Totoo bang magsasara na ang MAKA High? Abangan sa pilot episode ng MAKA season 2, simula February 1, 4:45 p.m. sa GMA.

TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG MAKA SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: