
Maraming netizens na ang excited sa pagbabalik ng hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA para sa bagong nitong season.
Simula February 1, mapapanood na ang bagong exciting na kuwento ng MAKA Season 2 kung saan bagong journey ang haharapin ng paboritong Gen Z barkada sa pagpasok nila sa private school, ang MacArthur Academy, matapos na tuluyang magsara ang MAKA High.
Sa official trailer ng MAKA Season 2, intense na mga eksena na kaagad ang nasaksihan sa paglipat nina Zephanie, Marco, Ashley, at JC sa private school kung saan bagong environment din ang kanilang hinarap.
Hamon din para sa MAKA barkada ang mga bagong kaklase at ang paglayo sa kanila ni Olive.
And dati namang popular na si Chanty tila makakahanap na nang katapat!
Samantala, si Zephanie, may bagong knight in shining armor?
Ilan sa komento ng netizens sa trailer: "Grabe. So excited para bukas MAKA S2," Ang ganda ng trailer. Exciting na manood bukas," "Super ganda, 'di na 'ko makapaghintay."
Muling makakasama sa MAKA season 2 ang Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa, maging ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Dagdag na twists at flavor naman ang dala ng bagong cast members na sina Elijah Alejo bilang Elijah Rodente, Bryce Eusebio bilang Bryce Hernandez, Shan Vesagas bilang Shan Rodente, at Josh Ford bilang Josh Taylor, kasama ang influencers na sina MJ Encabo at Cheovy Walter.
Abangan ang pilot episode ng MAKA season 2 ngayong Sabado, February 1, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG MAKA SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: