
Inanunsyo na ng hit youth-oriendted show na MAKA ang season finale para sa "MAKA: Next Chapter" noong Miyerkules, August 13.
Sa teaser na inilabas ng MAKA, mahahanap na ang nawawalang estudyante ng MAKA Academy na si Anton (Anton Vinzon) sa loob mismo ng opisina ni Miss Chin Chin (Gladys Reyes).
Dahil dito, si Miss Chin Chin ang madidiin sa pagkawala ni Anton.
Sino kaya ang taong gustong makulong si Miss Chin Chin?
Ipinasilip din ang pagsagip ni Shan (Shan Vesagas) kay Anton mula sa nasusunog na opisina. Pareho kayang makakaligtas sina Shan at Anton mula sa sunog?
Huwag palampasin ang huling pasabog sa season finale ng "MAKA: Next Chapter" ngayong Sabado, August 16, 4:45 p.m. sa GMA.
Samantala, sa pagtatapos ng "MAKA: Next Chapter," magiging simula ito ng bagong sorpresa. Abangan!
MAS KILALANIN SI ANTON VINZON SA GALLERY NA ITO: