
Magkakaroon ng riot sa MAKA Academy dahil sa tumitinding alitan sa pagitan ng MAKA Barkada at ng B-Boys, ang three-man basketball sensation na binubuo nina Anton (Anton Vinzon), Raheel (Raheel Bhyria), at Mad (Mad Ramos).
Sa teaser na inilabas ng MAKA, malalagay sa peligro ang pekeng prinsipe ng MAKA na si Anton matapos ang pakikipagtapatan kina Josh (Josh Ford) at Shan (Shan Vesagas). At ang masisisi kung bakit ito nangyari ay si Zeph (Zephanie)!
Samantala, isang matandang babae ang lumapit kay Shan at sinabing magpakilala ito sa tunay niyang ina, si Miss Chin Chin (Gladys Reyes). Si Shan na nga ba ang tunay na anak ni Miss Chin Chin?
Ano kaya ang gagawin ni Miss Chin Chin sa oras na malaman na hindi niya anak si Anton?
Abangan 'yan sa MAKA ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI SHAN VESAGAS SA GALLERY NA ITO: