GMA Logo MAKA actors Josh Ford, Anton Vinzon, and Shan Vesagas
Photo by: GMA Public Affairs
What's on TV

MAKA: Sino kina Josh, Anton, o Shan ang anak ni Miss Chin Chin?

By Aimee Anoc
Published July 12, 2025 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX deploys more security after slingshot rocks hit buses at Balagtas exit
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA actors Josh Ford, Anton Vinzon, and Shan Vesagas


Makikilala na kung sino ang nawawalang anak ni Miss Chin Chin, ang prinsipe ng MAKA!

Tuloy ang paghahanap ni Miss Chin Chin (Gladys Reyes) sa kanyang nawawalang anak na lalaki. Isa kaya kina Josh (Josh Ford), Anton (Anton Vinzon), o Shan (Shan Vesagas) ang hinahanap na prinsipe ng MAKA?

Sa teaser na inilabas ng MAKA para sa ika-22 episode nito na "The Lost Prince," si Miss Chin Chin na ang bagong may-ari ng MAKA Academy.

Unti-unti na ring nalalaman ni Miss Chin Chin ang mga impormasyon tungkol kina Josh, Anton, at Shan, na pinaghihinalaan niyang maaaring nawawalang anak niya.

At para makasiguro kung isa nga ba sa MAKA boys ang hinahanap niyang anak, idadaan na niya ito sa DNA test.

Sino kaya ang nawawalang prinsipe ng MAKA?

Samantala, hindi pa rin maiwasan na magkainitan sina Josh at Anton dahil kay Zeph (Zephanie).

Abangan 'yan sa MAKA ngayong Sabado, July 12, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ANTON VINZON SA GALLERY NA ITO: