
Sa huling episode ng My Fantastic Pag-ibig: Sakalam, mapapanood natin ang kahahantungan ng writer na si Tim (Manolo Pedrosa).
Sa kuwentong ito ay na-trap si Tim sa Luntian, ang mundong kaniyang isinulat sa graphic novel.
Sa pagkaka-trap ni Tim sa Luntian ay makikita niya ang mga naging pagbabago sa mga karakter na kaniyang nilikha. Habang siya ay nasa Luntian, gagawa si Tim ng paraan para masunod ang takbo ng kuwento na gusto niya. Isa rito ay ang magkabalikan sina Malakas (Joshua Bulot) at Maganda (Angela Alarcon).
Dahil sa ginawa ni Tim, mas lalong nagkagulo sa Luntian. Ano ang mangyayari kay Tim at sa mga karakter ng kaniyang graphic novel? Makakalabas pa ba siya sa real world?
Abangan ang finale ng My Fantastic Pag-ibig: Sakalam ngayong October 30, 7:05 PM sa GTV!
RELATED CONTENT:
My Fantastic Pag-ibig: Ang pagbabago ng kuwento sa Luntian