What's on TV

Makakatakas pa ba si Sophia sa kabaliwan ni Earl?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 28, 2020 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

4 katao na sakay ng MPV, patay matapos mabangga ng trailer truck sa Isabela
GMA Pinoy TV Champions Global Filipino Entrepreneurship at the 18th PHILSME Expo
Itayo ang bandera ng mga Uragon! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong naaalala na ni Sophia ang tunay niyang pagkatao, ano na ang kapalaran na naghihintay sa kanya?

Ngayong naaalala na ni Sophia ang tunay niyang pagkatao, pinlano niyang makatakas mula kay Earl. Pero makakatakas nga ba sila ni Nanay Seling sa pagkakataong ito?



Habang natutulog si Earl, dali daling ginising ni Sophia si Nanay Seling. Ngunit kinandado pala ni Earl ang pinto kaya 'di rin makaalis sina Sophia.


Naabutan sila ni Earl na tumatakas kaya naman nanginig sa takot ang dalawa. Ano na kaya ang gagawin nila?

Sa kagustuhan na makawala kay Earl, pinalo ni Nanay Seling ng kahoy ang ulo ni Earl. Nawalan ito ng malay. Kinuha nila ang susi mula kay Earl. Dali-dali rin silang lumabas ng bahay para sumakay ng bangka at makalayo mula sa isla.



Laking gulat nila ng makitang patay ang bangkero na tutulong sa kanila. Bukod pa roon, naabutan din sila ni Earl. Mas lalo itong naging agresibo dahil sa ginawa ni Nanay Seling.



Kaya naman ginawang bihag ni Earl ang dalawa. Ngayong nakakulong sila sa poder ni Earl. Paano na nila matatakasan ang kabaliwan nito?

May iba pang binabalak si Earl kay Sophia. Magtagumpay kaya si Earl?

Huwag palampasin ang finale ng The Borrowed Wife pagkatapos ng Innamorata sa GMA Afternoon Prime. Para sa updates, mag-log on lang sa www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.