Article Inside Page
Showbiz News
Isa na namang Biyernes (Pebrero 15) ang mapupuno ng saya kasama ang longest running gag show na
Bubble Gang. Dagdag aliw din ang ihahatid nina Kevin San t os, Sef Cadayona, Jacky Woo, Mark Herras, Michelle Madrigal at Ehra Madrigal sa kanilang mga gags at spoofs.

Siguradong mapapasigaw ng alien dahil sa pagbabalik ng phenomenal trio nina Brod Pete, Brod Willy, at Brod Jocel. Patuloy na nagpapatawa at pinananabikan ang Ang Dating Doon.
Maghanda na sa pagbabalik ng nag-iisang Mr. Assimo. Sino na naman kaya ang mabibiktima niya sa isang laundry shop? Hindi rin dapat magpahuli sa isang masusing paglalakbay ng imbestigador na si James Wang (Jacky Woo).
Sino kaya ang tatanghaling pinakasinungaling sa Sinong Galing? Isa itong lying contest kung saan tatanghaling panalo ang pinakamaraming sabihin na pagsisinungaling.
Makisabay na sa pag-indak ng Moymoy Palaboy sa kanilang version ng Where Have You Been ng foreign pop artist na si Rihanna.
Mapapanood ang Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi pagkatapos ng Temptation of Wife sa GMA7.