
Isang exciting na birthday celebration para kina Mavy at Cassy Legaspi ang hindi dapat palagpasin sa Sarap, 'Di Ba?
Sa January 7, maki-celebrate na sa espesyal na araw ng kambal ni happy nanay Carmina Villarroel.
Kakaibang birthday celebration ang inihanda ng Sarap, 'Di Ba? para sa kambal dahil puno ito ng masasayang games at surprises. Makakasama pa nila sa kanilang special day ang makukulit na guests na sina Kokoy De Santos, Angel Guardian, Buboy Villar, at Boobay!
Abangan ang dobleng saya at dobleng celebration ng Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel.
Huwag na huwag rin palalampasin ang exciting na "Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway!"