GMA Logo Family Feud
What's on TV

Maki-celebrate sa more tawa, more saya, more premyo 3rd anniversary ng 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published March 3, 2025 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Huwag magpahuli sa 3rd anniversary special ng 'Family Feud' simula ngayong March 3!

Buong Marso magse-celebrate ang Family Feud ng kanilang exciting at puno ng papremyo na 3rd anniversary!

Simula ngayong March 3, mapapanood na ang pagsisimula ng more tawa, more saya, more premyo episodes para sa 3rd anniversary ng Family Feud.

Siguradong kaabang-abang ang month-long special na ito dahil PhP 1.35 Million every week ang ipapamigay sa Family Feud studio contestants at chosen charities. PhP 500,000 every week naman ang naghihintay para sa Guess To Win Promo winners. PhP 75,000 naman ang ibibigay every week para sa mga studio audience.

A post shared by Family Feud Philippines (@familyfeudph)

Bukod sa papremyo, dapat tutukan ng mga manonood ang pagsabak sa survey hulaan ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, Ben&Ben, Binibining Marikit Hunks, at marami pang iba.

A post shared by Family Feud Philippines (@familyfeudph)

Maki-celebrate at makihula na sa 3rd anniversary ng Family Feud. Magsisimula na ito ngayong March 3, 5:40 PM sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Huwag din kalimutang sumali sa Guess to Win promo para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.