
Naghahanap ba kayo ng magpapasaya sa inyong mga umaga? Huwag kayong mag-alala dahil simula ngayong Lunes, September 25, makakasama na ninyo ang Eat Bulaga Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa The Lolas' Beautiful Show!
Tuwing umaga, ihanda ang inyong mga sarili sa katatawanan dahil tiyak na walang sawang kakulitan ang ihahatid nina Lola Nidora, Tidora at Tinidora sa nasabing morning talk show bago ang longest-running noontime show na Eat Bulaga.
Makaka-chikahan na natin ang mga Lola tuwing umaga! Ngayong Lunes na!
— Eat Bulaga (@EatBulaga) September 21, 2017
The Lolas' Beautiful Show 11:30am bago ang Eat Bulaga! pic.twitter.com/tCRdz8uJCY
Ano naman kaya ang sorpresang handog ng mga lola? Abangan ang The Lolas' Beautiful Show tuwing umaga mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., bago ang Eat Bulaga.