GMA Logo TiktoClock, Kashing-Kashing sa Karoling promo
What's on TV

Maki-happy time sa 'TiktoClock' at manalo ng aguinaldo mula sa 'Kashing-kashing sa Karoling' promo

By Maine Aquino
Published November 17, 2024 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP-HPG: Zaldy Co's luxury car has fake license plate
NLEX to increase toll fees starting January 20
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

TiktoClock, Kashing-Kashing sa Karoling promo


Tumutok sa happy time na hatid ng 'TiktoClock' para sa pagkakataong manalo ng PhP 3,000!

Ngayong holiday season, mamimigay ng aguinaldo ang TiktoClock at iba pang Kapuso shows sa Kashing-kashing sa Karoling promo.

Maki-karoling at manalo ng maagang aguinaldo mula sa'yong paboritong Kapuso shows. Sa Kashing-kashing sa Karoling promo, may mga lucky viewers na maaaring tumanggap ng PhP 3,000 sa pagtutok sa GMA at GTV!

Para sumali, tumutok lamang sa “Karoling VTR” na mapapanood sa TiktoClock. Sa ipapakitang "Karoling VTR”, may missing lyric/word na dapat hulaan ng manonood.

Halimbawa: Sa TiktoClock ay nangaroling ang AOS Barkada "Sa may bahay ang aming bati... Merry Christmas _______"

Na maluwalhati Ang siyang naghari

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Ang mga Kapuso viewers na may edad 17 years old pataas ay dapat magpadala ng kanilang sagot sa official promo page www.gmanetwork.com/KashingKashing kasama ang kanilang full name, age, complete address, e-mail address, at contact number para makasali sa Kashing-Kashing sa Karoling promo.

Ipadala lamang ang entries habang umeere ang TiktoClock. Ang unang tatlong makakapagpadala ng entries sa Kashing-Kashing sa Karoling promo page ay ang mananalo ng PhP 3,000 each.

Para sa ibang detalye, manood lamang ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA at sa GTV. Bisitahin din ang official promo page www.gmanetwork.com/KashingKashing.

Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-206636 Series of 2024