
Dalawa sa pinakanakakatawang Kapuso comedians at ang kanilang game partners ang magsasagupa para sagutin ang mga kuwelang trivia sa Game of the Gens this weekend.
Exciting ang inihandang episode ng all-original GTV game show sa Linggo ng gabi dahil makakasama nina Sef Cadayona at Andre Paras sina Allan K at Teri Onor, kasama sina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon at BakClash Champion Echo Calingal.
Sino kaya sa dalawang tandem ang mag-uuwi ng total cash prize na PhP 300,000?
Kaya tara na at panoorin with the whole family ang bago ninyong Sunday night habit, ang Game of the Gens, exclusively sa GTV sa oras na 7:45 p.m., sa March 28 na 'yan!