
Sa darating na May 29, may bagong kaabang-abang na adventure ang Amazing Earth.
Sa Linggong ito, tunghayan ang pagbabahagi ni Dingdong Dantes ng kwento tungkol sa palwa ride. Ang palwa ride ay ang newest attraction sa isang eco-adventure park sa Santa Catalina, Negros Oriental.
Photo source: Amazing Earth
Tunghayan rin sa Amazing Earth ang pakikipag-usap sa student-inventors ng Pedal Operated Road Sweeper. Ito ay ang three-wheeled ride na ginagamit para mangolekto ng basura sa kalye. Tutukan rin ang isa sa mga imbentor nito sa kanyang pagkasa sa Basura Bike challenge!
Hindi rin papahuli ang mga kwento ni Dingdong mula sa second part ng Deadly Hunters: Venom ng Bomanbridge Media.
Abangan ang mga nakakatuwang kwentong hatid ng Amazing Earth ngayong Linggo bago mag-24 Oras Weekend.