GMA Logo Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Makiling
What's on TV

Makiling: Amira, aakitin pabalik sa kanya si Alex!

By Jimboy Napoles
Published March 6, 2024 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran threatens painful response if US resumes attacks, oil prices seesaw
PDL who died in prison sustained injuries, autopsy shows
Makiling | Ang Ganti ni Amira

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Makiling


Ang pag-ibig na inagaw sa kanya, babawiin na pabalik ni Amira!

Babaligtad ang mga mundo ngayon ng magkapatid na sina Amira (Elle Villanueva) at Rose (Thea Tolentino) dahil sa kanilang pag-ibig para kay Alex (Derrick Monasterio).

Matatandaan na naging magkarelasyon na sina Rose at Alex dahil sa pagaakala nilang patay na si Amira dahil anim na taon itong nawala.

Sa pagbabalik ni Amira upang maghiganti sa mga umapi sa kanya at sa kanyang pamilya, mas titindi pa ang mararamdaman niyang sakit at galit dahil sa madadatnan niyang relasyon ng kanyang kapatid at dating nobyo.

Sa episode ng pambansang revenge drama na Makiling ngayong Miyerkules, March 6, gagawa na ng paraan si Amira upang mabawi pabalik si Alex mula kay Rose.

Susubukang akitin ni Amira si Alex at sisiguraduhin niyang malalaman ito ni Rose. Ang dating inaagawan, siya naman ang mang-aagaw ngayon.

Bukod dito, literal naman na babaligtad ang mundo ni Portia (Myrtle Sarrosa) dahil gaganti na sa kanya si Amira. Paglalaruan niya ito at ibibitin patiwarik gamit ang tow truck.

Abangan ang mga matitinding eksena na 'yan sa Makiling, 4pm sa GMA Afternoon Prime!

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG MAKILING SA GALLERY NA ITO: