
Aabot na sa sukdulan ang bangayan ng mga Terra at mga Lirio. At ang isa sa kanila, magbubuwis ng buhay!
Lalabas ang tunay na ugali ng mga Terra nang harapin ang posibilidad na bumagsak ang kanilang negosyo't kayamanan. Tanging ang Mutya ang maaaring sumalba nito. Ang problema, nasa kamay ni Amira ang kaisa-isang natitirang mahiwagang bulaklak, at ayaw niya itong ibigay sa mga Terra!
Sa patuloy na sagupaan ng dalawang pamilya, lalabas ang ilang sikreto -- ang unang pagkakataong nakapatay ang isang Terra, at ang pagkakaroon ni Doc Franco ng isang anak sa labas na lumaki bilang isang Lirio. Si Amira kaya o si Rose ito?
Tutok na sa Makiling, ang pambansang revenge drama ng Pilipino tuwing 4pm sa GMA Afternoon Prime!