
Napakaraming pag-aaral na nagsasabing mabuti para sa mga kabataan na basahan ng libro, pero dahil napaka-busy ng mga buhay natin, maaaring wala tayong oras para gawin ito.
Pero salamat sa bagong podcast series ng GMA na Pambatang Pinoy Stories, hayaan n'yo ang Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi, Raphael Landicho, Rain Matienzo, at iba pa na magbasa ng magagandang kuwentong pambata para sa inyong mga anak! At hindi lang ito audio-only podcast dahil video podcast din ito!
Ang unang apat na libro na maaaring pakinggan at panoorin ng mga tao ay ang Pitong Tsinelas at From Manila with Love: A Balikbayan Story ng Ilaw ng Tahanan Publishing, Inc. at ang Putot at Bru-ha-ha-ha-ha-ha...Bruhi-hi-hi-hi-hi-hi ng Adarna House Inc.
Ang unang dalawang episode ay babasahin nina Yasmien Kurdi at Raphael Landicho. Pakinggan at panoorin ang dalawang Sparkle stars habang binabasa nila ang Pitong Tsinelas, isang simpleng kuwento ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba, at Putot, tungkol sa isang aso na malungkot dahil sa kaniyang maikling buntot.
Samantala, si Rain Matienzo naman ang magbabasa sa ikatlo at ika-apat na episode ng Pambatang Pinoy Stories. Tampok sa mga episodes ang librong From Manila with Love: A Balikbayan Story, isang kuwento ng batang babae na ipapasyal ang kaniyang ina sa Kalakhang Maynila. Babasahin din ni Rain ang Bruha-ha-ha-ha-ha-ha...Bruhi-hi-hi-hi-hi-hi, ang kuwento ng isang matandang babae na napagkamalang mangkukulam!
Ang Pambatang Pinoy Stories ay mapapakinggan sa Spotify, Apple Podcast, at Google Podcast. Mapapanood ang mga video nito sa YouTube channel ng GMA Network.
Pakiggan ang unang episode sa ibaba: