
Maghanda na makipagtawanan at kulitan kasama ang inyong comedians ngayong Sabado sa Sarap, 'Di Ba?
Ngayong February 26, makakasama ni Carmina Villarroel sina Buboy Villar, Dyosa Pockoh, Tammy Brown, and Pepay. Tuloy pa rin ang tawanan with Carmina's co-host this week na si Direk Phillip Lazaro.
Mapupuno ng good vibes ang Sabado ng umaga dahil sa games at challenges na haharapin ng Team Bu-Sa (Buboy and Dyosa) at Team T-Pay (Tammy and Pepay). Haharapin nila ang Suot-Short game and the Balloon Pop challenge!
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Si Carmina ay paghahandaan naman tayo sa Sarap, 'Di Ba? kitchen ng masarap na Cheese and Spinach Rellenong Alimasag. Plus, may pagkakataon pang manalo ng PhP 5,000 ang lucky viewer sa Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway Promo.
Abangan ang lahat ng ito ngayong Sabado sa Sarap, 'Di Ba? 10:00 a.m. sa GMA Network.