
Makukumpleto na ang '80s musical trio singers na Triplets sa upcoming episodes ng Born to Shine sa pagpasok ni Sheryl Cruz sa serye.
Sa wakas ay mag-uumpisa na ang boot camp para sa aspiring P-Pop stars at kabilang dito sina Jeni (Zephanie), Megan (Olive May), Yuna (Mitzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi). At ang magiging direktor nila ay si Ivana, na ginagampanan ni Sheryl.
Matatandaan na parte rin ng cast ng serye sina Manilyn Reynes bilang si Minchie at si Tina Paner na ginagampanan naman ang role ni Charice. Sa serye, parte sila ng isang trio kasama si Vina Morales bilang si Dara, ang Rosabellas.
Pero sa totoong buhay, naging parte rin sina Manilyn at Tina ng trio rin na Triplets kasama si Sheryl. At sa pagpasok ng aktres sa serye, muling magsasama-sama sa iisang proyekto ang grupo.
Unang nabuo ang Triplets noong dekada 80 hanggang 90 nang maging bahagi ang tatlo ng entertainment variety show na That's Entertainment ni Master Showman German Moreno. Nagkaroon pa nga ng mga album at pelikula ang grupo, at noong 2017, ay nagkaroon sila ng reunion concert kasama ang ilan sa mga kasamahan nila sa naturang variety show.
Samantala, nitong mga nakaraang episodes ng Born to Shine, sa pagpasok ni Tina sa serye, ilang netizens na rin ang naghanap kay Sheryl, at nagpahayag ng kagustuhang mapanood ang dating Triplets member sa serye upang makita nilang mag-reunion ang mga ito.
Samantala, sa pagbisita ni Sheryl kasama ang anak na si Nicole Sonora sa March 25 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng singer-actress kung gaano siya kasaya at blessed na maging parte ng Born to Shine.
BALIKAN ANG REUNION NG TRIPLETS SA 'FAST TALK WITH BOY ABUNDA' SA GALLERY NA ITO: