What's Hot

Makulay Ang Buhay: Importansya ng pagkain ng almusal

By Jansen Ramos
Published November 23, 2020 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Backstreet Boys drop 2025 version of 'I Want It That Way' music video
P500,000 cash, jewelry lost to burglars in mall in Pavia, Iloilo
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative

Article Inside Page


Showbiz News

Gil Cuerva and Camille Prats in Makulay Ang Buhay


Team Bahay kids, start the day with breakfast everyday para lagi kayong nasa mood, parating may lakas, at mas madaling makapag-isip.

Ngayong 2020, handog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang 'Mom C' kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.

Sa 10th episode nito, pinag-usapan nila ang kahalagahan ng pagkain ng almusal kasama si Prinsipe Aga na ginampanan ni Gil Cuerva.

Si Prinsipe Aga ang itinanghal na susunod na hari ng Isla Almusala dahil madali niyang nahanap ang golden beans, bunsod ng pagkain ng almusal na nagbigay sa kanya ng lakas, kalinawan ng isip, at sigla na ginagamit sa buong araw.

Sa pagbisita ng prinsipe kina Mom C, Benjie, at Penpen, handog niya ang string beans na maaaring pang-sahod sa nilulutong pork guisado ni Mom C.

Mayaman ang pork guisado sa protein na tumutulong sa pagpapatibay ng muscles lalo na nang hinaluan ito ng beans.

Panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay sa itaas. Kung hindi naglo-load ang video nang maayos, maaari itong i-stream DITO:

Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure tuwing Martes, 9:30 a.m, sa Makulay Ang Buhay.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, huwag kayong mag-alala dahil may replay ang programa tuwing Sabado, 9:45 a.m.