What's Hot

Makulay Ang Buhay: Kahalagahan ng kalinisan sa pagkain

By Jansen Ramos
Published November 18, 2020 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH gets P529.6B budget for 2026
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Gil Cuerva and Camille Prats in Makulay Ang Buhay


Sa ika-siyam na episode ng 'Makulay Ang Buhay,' pinag-usapan nina 'Mom C' Camille Prats, Benjie, at Penpen ang food safety and foodborne diseases kasama ang Food Inspec-Thor na si Gil Cuerva.

Ngayong 2020, handog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang 'Mom C' kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.

Sa ika-siyam nitong episode, pinag-usapan nila ang kahalagahan ng kalinisan sa pagkain kasama ang Food Inspec-Thor na si Gil Cuerva.

Maaari kasing maging sanhi ng foodborne diseases, gaya ng diarrhea, ang hindi paghuhugas ng kamay bago kumain, bagay na madalas makalimutan ng Team Bahay kids.

Kaya naman para sa Lutong Nanay recipe ni Mom C, naghanda siya ng pagkaing mayaman sa fiber, na nakakatulong sa paggalaw ng tiyan, at magnesium, na nagpapalakas ng muscles--ang ginisang sayote with sotanghon.

Ginisang Sayote with Sotanghon

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa food safety at foodborne diseases, panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay sa itaas. Kung hindi naglo-load ang video nang maayos, maaari itong i-stream DITO.

Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure tuwing Martes, 9:30 a.m, sa Makulay Ang Buhay.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, huwag kayong mag-alala dahil may replay ang programa tuwing Sabado, 9:45 a.m.