What's Hot

Makulay Ang Buhay: Usapang glow foods kasama si Buboy Villar

By Jansen Ramos
Published October 21, 2020 11:48 AM PHT
Updated October 21, 2020 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar and Camille Prats in Makulay Ang Buhay


Sa ika-limang na episode ng 'Makulay Ang Buhay,' ibinahagi nina 'Mom C' Camille Prats, Benjie, at Penpen ang benefits ng pagkain ng glow foods kasama si Buboy Villar.

Ngayong 2020, handog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang 'Mom C' kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.

Sa ika-lima nitong episode, pinag-usapan nila ang kahalagahan ng pagkain ng glow foods, kasama si Buboy Villar.

Isa riyan ang carrot na mayaman sa beta carotene at Vitamin A.

Ang Vitamin A ay tumutulong para mas maging malakas ang resistensya at para makaiwas sa iba't ibang sakit gaya night blindess, infections, at ilang klase ng cancer. Nakakatulong din ito para mapaganda ang balat.

Kaya naman nagluto ng almusal si Mom C na may halong carrot na tiyak na magugustuhan ng Team Bahay kids--ang sopas.

Bukod sa carrot, mayaman din sa vitamins at minerals ang repolyo at saging na tumutulong para mag-function nang maayos ang ating katawan.

Panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay sa itaas para malaman ang iba pang benefits ng pagkain ng glow foods.

Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure tuwing Martes, 9:30 a.m, sa Makulay Ang Buhay.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, huwag kayong mag-alala dahil may replay ang programa tuwing Sabado, 9:45 a.m.