What's Hot

Makulay Ang Buhay: Usapang iron at lutuan with Jelai Andres

By Jansen Ramos
Published November 4, 2020 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPC seeks bigger workforce to roll out 2026 programs
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres in Makulay Ang Buhay


Sa ika-pitong episode ng 'Makulay Ang Buhay,' pinag-usapan nina 'Mom C' Camille Prats, Benjie, at Penpen, kasama si Jelai Andres, ang iron deficiency at kung bakit hindi dapat ito baliwalain.

Ngayong 2020, handog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang 'Mom C' kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.

Sa ika-pito nitong episode, binisita ni Candy (Jelai Andres) sina Benjie at Penpen. Napagkamalan ng dalawa na multo si Candy dahil putlang-putla ito.

Napansin din ni Mom C na nanghihina ang dalagita na dulot pala ng iron deficiency.

Kaya naman nagluto siya ng pagkain na puno ng iron para maging healthy ang dugo ni Candy--ang menudo sa gata.

Menudo sa gata

Ang menudo sa gata ay may liver na mayaman sa iron at may coconut milk na good for the heart kaya hindi ito nagpapataas ng blood pressure at cholesterol.

Bukod sa liver at gata, source of iron din ang beans, green and leafy vegetables, tofu, at tahong.

Iron rich foods

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa iron, panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay sa itaas. Kung hindi naglo-load ang video nang maayos, maaari itong i-stream DITO.

Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure tuwing Martes, 9:30 a.m, sa Makulay Ang Buhay.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, huwag kayong mag-alala dahil may replay ang programa tuwing Sabado, 9:45 a.m.