GMA Logo Sunshine Dizon as Iris Dayanghirang in Mga Lihim ni Urduja
Source: GMANetwork (YT)
What's on TV

Malalaman na ang totoong pagkatao ni Iris Dayanghirang!

By Abbygael Hilario
Published March 22, 2023 7:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX deploys more security after slingshot rocks hit buses at Balagtas exit
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Dizon as Iris Dayanghirang in Mga Lihim ni Urduja


Sino nga ba si Iris Dayanghirang?

Sa pagpapatuloy ng misyon nina Gemma Davino (Kylie Padilla) at Crystal Posadas (Gabbi Garcia) sa paghahanap ng mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez), unti-unti nilang malalaman ang totoong pagkatao ni Iris Dayanghirang (Sunshine Dizon)!

Si Iris Dayanghirang ang misteryosong ina ng mga itinakda!

Sa #UrdujaMisteryo episode kagabi, ikinuwento ni Maestro Marius (Zoren Legaspi) kina Gem at Crystal na naging bahagi si Iris ng isang grupo ng mga sindikato. Ibinunyag niya rin na pinalitan ni Iris ang kaniyang pangalan bilang Ruby Diamante.

Samantala, ngayong gabi ay masisiwalat na ang itinatago ni Iris!

Bakit nga ba lubos ang galit ni Onyx sa kaniya?

Parte nga kaya siya ng masamang grupo na tinutukoy ni Maestro Marius?

Paano siya nalayo sa kaniyang mga anak na sina Gemma, Crystal, at Onyx?

Abangan mamaya sa mythical primetime mega serye na Mga Lihim ni Urduja, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: