Celebrity Life

Malalapit na kaibigan ni Susan Roces na sina Boots Anson-Roa at Daisy Romualdez, ginunita ang yumaong aktres

By Marah Ruiz
Published May 24, 2022 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Boots Anson-Roa and Daisy Romualdez


Kabilang sa mga dumalo sa burol ng yumaong beteranong aktres na si Susan Roces ang malalapit niyang kaibigan na sina Boots Anson-Roa at Daisy Romualdez.

Bumuhos ang mga nakikiramay sa burol ng namayapang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces o Jesusa Sonora Poe sa tunay na buhay

Kabilang sa mga nagbigay-pugay sa aktres sa Heritage Park sa Taguig kagabi, May 23, sina Lovi Poe, Carmi Martin, Councilor Jhong Hilario, Regine Velasquez, DTI Secretary Ramon Lopez, at PAO Chief Persida Acosta.

Ginunita naman ng malalapit na kaibigan ni Susan na si Boots Anson-Roa ang namayapang aktres.

"Si Susan was one of my influencers, great influencer. It was always an honor to listen to her advice. Kung minsan, cute nga 'yung mga advice niya. Patawa 'yan eh. Pero 'pag nagpatawa siya, it will never be at the expense of other people," kuwento ni Boots.

May mensahe naman sa kanya ang isa pang malapit na kaibigang si Daisy Romualdez.

"Inday, may you rest in peace. Mami-miss ka namin, Inday. Inday, magkikita na kayo ni Ronnie diyan. At least maligaya ka na," pahayag ni Daisy.

Nauna nang dumalaw noong May 22 sina former President Joseph Estrada, mag-asawang Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta, senator-elect Jinggoy Estrada, senator-elect Mark Villar, Senator Franklin Drilon, at Sheryl Cruz.



Pumanaw sa edad na 80 si Susan dahil sa cardiopulmonary arrest.

Sa Huwebes, May 26, nakatakdang ilibing ang akres sa Manila North Cemetery katabi ng yumaong asawa at kapwa Philippine showbiz icon na si Fernando Poe Jr.

Silipin ang naging buhay at iiwang legacy ni Susan Roces sa Philippine showbiz sa gallery na ito: