
Dumalaw sa set ng action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan si Cartz Udal o mas kilala online bilang "Malanding Tomboy."
Isa sa mga una niyang nasilayan sa set ang higanteng animatronic prop na si Dakila.
"Ang tawag nila diyan, guys, si Dakila dahil malaki siya. Kita niyo naman oh, nakakatakot, parang totoo. Mga ilang pulgada ata 'to. Ang tawag ko sa kanya ngayon, Daks, kasi mahilig ako sa daks. Tignan niyo para tayong kakainin ng buhay oh," paglalarawan niya sa dambuhalang buwaya.
Lumapit siya rito para sa ilang close-up shots at biglang nagulat nang buksan ng isang miyembro ng staff ang bibig nito.
@malanding_tomboy Gumalaw yung malaking “BUWAYA”🤦🏻♂️🐊 Muntik nakong atakihin sa puso!🤦🏻♂️#fyp #foryou #funny #tiktok #tiktokphilippines🇵🇭 #forentertainmentpurposesonly ♬ original sound - Cartz Udal
Pero ang orihinal na pakay raw ni Cartz ay makilala ang mga aktor na bahagi ng serye, lalo na ang bida nitong si primetime action hero Ruru Madrid.
"Hi guys, nandito tayo sa set pa rin ng Lolong. Gusto ko sanang makita 'yung mga lodi ko dito. Balita ko, puro gwapo kasi 'yung mga cast ngayon eh. Pero hindi tayo magpapahalata na ano [malambot]. Tomboy tayo dito guys," pahayag niya sa simula ng kanyang video.
Naabutan niya sa tent ang mga aktor na sina Victor Neri, Boom Labrusca, at Joshua Dionisio. Paglabas naman niya dito, nakausap niya rin si Rocco Nacino.
Sa pagpapatuloy niya sa paglilibot sa set, naabutan din niya sa wakas si Ruru.
"Mas daks ka pala kay Dakila," biro niya sa aktor na biglang natawa sa hirit na ito. "Matangkad ka kasi," agad niyang dagdag.
Hindi naman pinalampas ni Cartz na ibinenta ang sarili sa pag-asang makapasok sa serye.
"Nakita ko kasi, medyo nategi 'yung partner mo eh. Puwede ba 'ko pumalit? Huwag kang mag-alala, talented ako. Gusto mo kantahan pa kita eh," lahad niya.
"'Di ba noong pagkadapa niya, nategi, may tumugtog. Gusto mo, pagbangon noon, ako, tapos kakanta," pagpapatuloy niya.
Tinutukoy ni Cartz ang eksena ng kasal ng karakter ni Ruru na si Lolong sa serye. Inatake ito ng mga armadong kalalakihan kaya nabaril at nahataw pa sa ulo ng sagwan ang asawa niyang si Elsie na karakter naman ni Shaira Diaz.
Sa madamdaming eksenang ito, narinig din ang kantang "Hanggang" na awit ni Wency Cornejo pero ginawan ng cover version ni Kapuso singer Garrett Bolden para sa soundtrack ng Lolong: Bayani ng Bayan.
"Oh sige, paano?" pagsakay ni Ruru.
Agad nagsimulang umarte si Cartz at hinaplos-haplos pa ang aktor habang kinakanta ang "Hanggang."
Game namang niyakap ni Ruru si Cartz para makumpleto ang eksena.
"Baka naman mamaya magulat na lang ako ka eksena na kita," sabi ni Ruru nang matapos ang kanilang aktingan.
"Alam mo na, direk. Baka gusto mong palitan si Dakila," panibagong hirit ni Cartz.
@malanding_tomboy Nahuli kona si “LOLONG”😍 Mas “DAKS”🤭 pa pala kesa kay “DAKILA”🐊😂#fyp #foryou #funny #tiktok #tiktokphilippines🇵🇭 #forentertainmentpurposesonly ♬ original sound - Cartz Udal
Bukod dito, gumawa rin ng maikling dance video ang dalawa kung saan nagpahusayan sila sa pagkaldag.
@malanding_tomboy Ang yummy pala sumayaw ni “LOLONG”🐊😍❤️@Ruru Madrid #fyp #foryou #funny #tiktok #tiktokphilippines🇵🇭 ♬ original sound - Cartz Udal
Abangan kung makakapasok ba si Malanding Tomboy o Cartz Udal sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.
SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN: