
Mabubunyag na ang dambuhalang katotohanan sa primetime action-adventure series na Lolong.
Magbabalik na ang lahi ng mga Atubaw para maningil sa pagkaubos ng kanilang lahi.
"Tikman niyo ang ganti ng mga Atubaw!" babala nila sa pamilya Banson na binubuo nina Armando (Christopher de Leon), Dona (Jean Garcia) at Martin (Paul Salas).
Bukod kina Lolong (Ruru Madrid) at Karina (Rochelle Pangilinan), sino pa ang mga natitirang Atubaw?
Ang tribong inapi, magbabalik para maghiganti!
Abangan ang pagbabalik ng mga Atubaw sa Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.