GMA Logo Malditas in Maldives
What's Hot

'Malditas in Maldives,' napili bilang entry sa Jinseo Arigato International Film Festival

By Kristine Kang
Published April 30, 2024 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala rules SEA Games women’s tennis; Gilas teams reach gold medal round
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Malditas in Maldives


Congratulations sa lahat ng bumubuo ng 'Malditas in Maldives.'

Sasabak sa Jinseo Arigato International Film Festival ang comedy film ni Njel de Mesa na Malditas in Maldives. Pinagbibidahan ito nina Arci Muñoz, My Guardian Alien star Kiray Celis, at ni Janelle Tee.

Ang Jinseo Arigato International Film Festival ay isang paraan para ipagdiwang ang Cross-Cultural Cinematic Achievement ng mga Pilipino at Japanese sa larangan ng pelikula.

Gaganapin ang festival sa May 25-26, at ipapalabas ang mga pelikula sa Philippine Cinemas pagkatapos nito.

Nag-post kamakailan ang NDM Studios sa kanilang Facebook page at nagpahtid ng kanilang congratulations.

“OFFICIAL JAPANESE TRAILER - PANG-INTERNATIONAL NA YARN!!! CONGRATULATIONS, OMEDETO GOZAIMASU for being selected as one of the entries to the JINSEO ARIGATO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL (in Japan) --to our hardworking cast, staff, production, and creative team for this cinematic achievement kineme!” sulat nila sa post.

Sa hiwalay na Instagram post, sinabi ng studio na honored silang mapabilang sa unang announcement video kung saan makikita ang iba't ibang pelikula na kasama sa film festival.

BALIKAN ANG MGA KAPUSO STARS NA DUMALO SA MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL SA GALLERY NA ITO:

Iikot ang kuwento ng pelikula sa tatlong vloggers na gusto mag-feature ng isang magarang resort sa Maldives. Ngunit mapapansin ng tatlo na tila paulit-ulit ang mga pinagdadaanan nilang araw, dahilan para maghinalang sumakabilang buhay na sila.

Gamit ang kanilang talino at mga kakaibang ugali, makaalis kaya sila sa kanilang sitwasyon?

Bukod sa Malditas in Maldives, makakasama rin sa film festival ang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na That Kind of Love. Napili ang kanilang pelikula bilang spotlight entry sa nasabing film festival.

Ito ang magsisilbing unang pelikula ng dalawa bilang isang love team na BarDa. Unang nakilala ang kanilang love team nang bumida sila sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Tingnan ang buong post ng NGM Studios dito: