GMA Logo Buboy Villar
What's on TV

Mali pero havey na sagot ni Buboy Villar sa 'Family Feud,' viral sa TikTok

By Jimboy Napoles
Published September 16, 2022 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


May mahigit 3M views na sa TikTok ang viral video ni Buboy Villar sa 'Family Feud.' Kung bakit, basahin DITO:

Muling nag-viral ang aktor at Running Man Philippines cast member na si Buboy Villar sa TikTok dahil sa video ng kanyang "sabaw" na sagot o maling hula sa survey question na itinanong ng game master na si Dingdong Dantes nang maglaro siya sa Family Feud kamakailan.

Sa nasabing episode ng game show, naglaro ang Running Man Philippines cast members na sina Buboy, Glaiza De Castro, Ruru Madrid, at Mikael Daez laban sa ilang Pinoy fans ng Running Man Korea.

Matagumpay naman na nanalo ang team Running Man Ph kung kaya't sila ang naglaro sa fast money round. Isa sa sumalang dito ay si Buboy kung saan sinagot niya ang limang survey questions sa loob ng 25 na segundo.

Isa sa naging tanong kay Buboy ay, "In English, anong month ang may letter 'A'?," pero tila nawala sa concentration ang komedyante at ito ang kanyang naging sagot, "Month na may letter 'A'... Monday?"

Agad naman na ipinost ng Family Feud Philippines ang video na ito ni Buboy sa TikTok kung saan mabilis itong nag-viral. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 3.5 million views at patuloy na inuulan ng sari-saring reaksyon at komento mula sa netizens.

Panoorin ang video sa TikTok video na ito:

@familyfeudph hApPy mOnDaY #FamilyFeudPH ♬ original sound - Family Feud Philippines


SILIPIN NAMAN ANG SIMPLENG BUHAY NI BUBOY VILLAR SA GALLERY NA ITO: