What's on TV

Mall shows ng 'Prima Donnas' stars, jam-packed!

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 3, 2020 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Back to back mall shows ng Prima Donnas napuno ng mga tao


Jam-packed ang back-to-back mall shows ng 'Prima Donnas' stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, Elijah Alejo, Katrina Halili, Will Ashley, at Julius Miguel nitong weekend! Pumunta ka ba, Kapuso?

Napuno ng nagtitilian na mga fans ang back-to-back mall shows ng Prima Donnas stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo sa Fisher Mall Malabon at Fisher Mall Quezon Ave nitong Linggo, March 1.

Kasama rin nina Jillian, Althea, at Sofia sa pagbibigay saya sa mga Kapuso sina Elijah Alejo, Will Ashley, Julius Miguel, at Katrina Halili.

Dahil jam-packed ang venue, taos-pusong nagpasalamat si Elijah sa mga taong pumunta kahit na mayroong banta ng COVID-19.

“Kahit po alam po nila na may risk ng mga virus, hindi lang po Corona, kahit po 'yung mga ubo't sipon, talagang nag-e-effort pa rin po sila pumunta para lang po maipakita po 'yung love po nila sa amin,” saad ni Elijah.

Para kay Jillian, lalo siyang na-i-inspire magtrabaho tuwing nakakakita siyang may mga napapasaya siyang mga tao.

Aniya, “Parang ito po talaga 'yung purpose ko sa buhay ko na mag-inspire at magpasaya po ng tao.”

Samantala, inamin naman ni Althea ang sikreto nila sa magandang ratings ng kanilang show: ang pagdadasal at pag-awit ng worship songs bago magsimula ang taping sa pangunguna ng direktor ng Prima Donnas na si Gina Alajar.

“Super saya lang sa pakiramdam kasi sama-sama kami tapos kakanta kami ng [worship songs],” saad ni Althea.

Alamin ang buong detalye sa back-to-back star-studded mall show ng Prima Donnas sa report na ito ni Aubrey Carampel:

Mapapanood ang Prima Donnas mula Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime.

Available rin ang full catch-up episodes ng Prima Donnas sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.