
Nananatiling positibo si Mama Gwapa, ina ni Isabel Granada, tungkol sa kasalukuyang kondisyon ng kanyang anak matapos itong ma-comatose dahil sa aneurysm.
Ipinamalita ni Jericho Genaskey Aguas, dating asawa ni Isabel, na kapiling na ngayon ng aktres ang kanyang inang si Mama Gwapa at anak na si Hubert.
Aniya, “Isabel’s heartbeat went down from 156 to 98 when mama and Hubert arrived and spent time in her room. That’s a good sign. The normal heartbeat daw is 60 to 100. God performs miracles. Continue praying… Malapit na hong magkamalay si Isabel.”
Dahil sa bumubuting kalagayan ng aktres, patuloy na nanalig si Mama Gwapa na malalagpasan ni Isabel ang mapait na tagpong ito.
Pagbahagi ni Jericho ng pahayag ni Mama Gwapa, “Gigising ang anak ko. Alam ko ‘yan, Nanay ako. Sabi ni Mama Gwapa paglabas ng room.”