
Sa pagsalubong ng bagong taon, inalala ng content creator na si Mama Loi, o Loi Villarama, ang isa sa mga natanggap niyang blessings noong 2025.
Sa Instagram, ibinahagi ni Mama Loi ang larawan nila ng Queen of All Media na si Kris Aquino noong binisita niya ang TV host. Nagpasalamat din siya kay Kris dahil isa ito sa mga taong ipinagpapasalamat niya noong nakaraang taon.
“You are one of the blessings I am most grateful for this 2025 @krisaquino,” sabi ni Mama Loi sa caption.
Nagpasalamat ang content creator sa pagmamahal na kanyang natanggap sa buong pagkakaibigan nila ni Kris.
“Thank you for the love and friendship,” pahayag niya.
Dagdag pa niya, “I Love You KCA, Bimb, and Kuya Josh!”
Samantala, noong December 2, nagluksa si Mama Loi sa pagpanaw ng kanyang ama na si Carlito Villarama, o kilala bilang Lolo Barok.
Si Kris naman ay nagbahagi ng kanyang health update kamakailan, noong holiday break, kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. Sa kanyang Instagram Stories, muli niyang hiniling ang dasal mula sa kanyang mga followers.
“The Christmas-New Year break has been 'heartbreaking' - kakayanin ko pa ba? Prayers please, I'm sorry for asking again,” aniya.
Samantala, alamin dito ang mga blessings na natanggap ng Kapuso celebrities: