GMA Logo Kashing-kashing sa Karoling
What's Hot

Manalo ng cash sa 'Kashing-kashing sa Karoling'

By Marah Ruiz
Published November 10, 2024 1:38 PM PHT
Updated December 8, 2024 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH defends bid to restore budget: Lower material costs, no projects to bring back
Palompon, Leyte cop found positive for shabu faces dismissal
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kashing-kashing sa Karoling


Alamin kung paano maaaring manalo ng PhP 3,000 sa 'Kashing-kashing sa Karoling' promo.

Sila ang mamamasko, pero sa iyo ang aguinaldo!

Maaari kasing manalo ng PhP 3,000 sa Kashing-kashing sa Karoling promo.

Kailangan lang manood ng mga programang All-Out Sundays, TiktoClock, The Clash, The Voice Kids, Farm to Table, at TRGGD para makita ang Christmas carol na may nawawalang lyric.

Piliin lang sa choices na ibibigay ang tamang lyric na kukumpleto sa kanta.

Halimbawa, mangangaroling sa TiktoClock ang AOS Barkada, "Sa may bahay ang aming bati... Merry Christmas _______"

Na maluwalhati
Ang siyang naghari

Ipadala ang inyong mga sagot sa official promo page nito na GMANetwork.com/KashingKashing kasama ang inyong buong pangalan, edad, kumpletong home address, email address, at contact number.

Ang mga tamang sagot na maipapadala habang umeere ang mga programang kasali at pasok sa deadline ang maaaring manalo. Mula sa mga ito, pipili ang programa ng unang tatlong mga sagot bilang winners.

Isang entry sa bawat isang episode ng programa lang ang maaaring tanggapin, at isang beses lang maaaring manalo ang isang indibidwal sa buong takbo ng promo mula November 10, 2024 hanggang December 16, 2024.

Paaalala lang, mga Pilipino na nasa edad na 17 at pataas at kasalukuyang nakatira sa Pilipinas ang maaaring sumali sa promo. Kailangan din na may isang government-issued ID, verified email address, at valid na mobile number ang mga sasali.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Para sa buong mechanics ng Kashing-kashing sa Karoling, bisitahin ang official promo page nito sa GMANetwork.com/KashingKashing.

Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-206636 Series of 2024