
Good news, mga Kapuso! Hatid ng GMA Network ang pagkakataong manalo ng grand prize na Php150,000 sa Kapuso Lucky Numbers of the Day Season 3!
Simula April 1, 8:00 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes, panoorin ang mga programang nasa GMA Prime: Black Rider, My Guardian Alien, at Asawa ng Asawa Ko. Hintayin lamang ang announcement ng mga Kapuso Lucky Numbers of the Day na makikita sa mga programang ito.
Para makasali, i-submit ang entry para sa Kapuso Lucky Numbers of the Day Season 3 sa www.GMANetwork.com/luckynumbers. Ilagay ang buong pangalan, kumpletong address, mobile number, at ang email address.
Ang isang sagot ay katumbas ng isang entry, at maaaring magpadala ng higit sa isang entry. Kaya sumali na nang sumali para mas may chance manalo sa Kapuso Lucky Numbers of the Day Season 3!
Ang lahat ng entries na ipinadala sa oras ng GMA Prime mula 8:00 p.m. hanggang 10:30 p.m. ay pasok sa electronic raffle na gagawin tuwing Lunes.
Bawat araw ay may dalawang masuwerteng mananalo ng Php 1,000, kung kaya may 10 lucky winners linggu-linggo!
Para naman sa grand raffle draw sa May 20, 2024, may masuwerteng Kapuso na makakapag-uwi ng grand prize na Php150,000!
Abangan ang announcement sa winners ng Kapuso Lucky Numbers of the Day Season 3 sa GMA Prime at sa official Facebook pages ng GMA Network (www.facebook.com/GMANetwork) at GMA Drama (www.faebook.com/GMADrama) tuwing Lunes.
Magsisimula ang Kapuso Lucky Numbers of the Day Season 3 sa April 1 hanggang May 17, 2024. Alinsunod sa DTI Fair Trade Permit No. FTEB-189369 Series of 2024.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang GMANetwork.com.