
Ipapatawag nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa session ng Your Honor this Saturday ang multi-awarded comedienne na si Manilyn Reynes para sa isang exciting topic tungkol sa relationship.
Haharap si Manilyn na gumaganap na Elsa sa Pepito Manaloto sa session ng House of Honorables na tinawag na “In Aid of Hatian: 50/50 ba Dapat ang Relasyon?”
Sa isang bahagi ng guesting ng Kapuso actress sa YouLOL Originals vodcast, bigla nito in-address ang ilan sa binabatong isyu sa mister na si Aljon Jimenez.
Mahigit 34 years nang kasal sina Manilyn at kaniyang mister na isa rin aktor.
Sabi ni Manilyn kina Madam Cha at Buboy, “For the longest time si Aljohn lagi nilang pinagsasabihan or pinag-iisipan na, 'He's not doing anything.'”
“Dedepensahan ko naman ang asawa ko ano.”
Huwag palagpasin ang masayang kuwentuhan kasama si Manilyn Reynes sa Your Honor ngayong September 27 pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.
RELATED GALLERY: THROWBACK PHOTOS OF MANILYN REYNES AND ALJON JIMENEZ