
Gaya ng ibang celebrity parents, excited na rin umano si Manilyn Reynes na magkaroon ng apo mula sa anak nila ni Aljon Jimenez na si Kyle, at asawa nitong si Mickey. Ngunit sa kabila ng excitement na ito, nagbigay rin ng paalala ang Born to Shine actress sa iba pang magulang ng newlywed couples.
“Of course, Tito Boy! Waiting na nga kami, kaya lang siyempre ang hirap naman i-impose 'di ba, ang hirap naman sabihin na agad-agad, tuwing nagkikita na lang, 'O, mga anak, kailan ba ang baby? Kailan ba ang apo?'” pagbabahagi ni Manilyn tungkol sa pagkakaroon ng apo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes.
Pinansin ni Manilyn na maraming tao ang tila mas naiinip pa kaysa sa couple at paulit-ulit na nagtatanong kung kailan sila magkakaanak. Pagbabahagi ng aktres, may mga couple umano siyang nakakausap na minsan ay na-o-offend kapag tinatanong sila tungkol dito.
KILALANIN ANG CELEBRITIES AT ANG KANILANG EQUALLY FAMOUS GRANDPARENTS SA GALLERY NA ITO:
“May couples kang nakakausap and then medyo natatagalan silang magka-baby, medyo in a way, na-o-offend sila when you keep asking,” sabi ni Manilyn.
Taong 2021 nang mag-post ang aktres sa kaniyang Instagram na wine-welcome ng pamilya nila si Mickey, ang asawa ng panganay niyang si Kyle.
“Bilang mga magulang, moments such as these ang nakakapagpasaya ng puso namin ni Aljon. Ang makitang malalaki na ang mga bata at nagkakasundo. 'Yung masaya sila sa mga simpleng bagay. Sama-sama sa kanilang naka-tokang gawain. Luto, linis ng mesa, hugas ng pinagkainan, at pagkatapos, laro at tugtugan na,” sabi ni Manilyn sa kaniyang post.
Hiling umano nila, bilang mga magulang, ay makatagpo ang kanilang mga anak ng mapapangasawa na mabait.
“Masaya kaming lahat to welcome our Kyle's wife, Mickey️. At hindi nila makalimutan ang mga simpleng kaalaman na ating naibahagi sa kanila,” sabi ng aktres.
Panoorin ang panayam kay Manilyn at Smokey Manaloto dito: