
Pansamantala munang iiwan ng award-winning comedienne na si Manilyn Reynes ang role niya bilang Elsa para ipakilala sa moviegoers ang si Malena, ang kanyang karakter sa Shake, Rattle and Roll: Evil Origins.
Ang Shake, Rattle and Roll ay isa sa entries sa 51st Metro Manila Film Festival na mapanonood na simula Pasko, December 25.
Makakasama ng Pepito Manaloto actress sa horror film sina Pinoy Big Brother heartthrob Dustin Yu at Kapuso Primetime Goddess Carla Abellana.
Mapapanood din sa Shake, Rattle and Roll: Evil Origins ang Sparkle talents na sina Ashley Ortega, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Althea Ablan, at Elijah Alejo.
Sa panayam ni GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Legal, Human Resources Development, and Worldwide Group, Atty. Annette Gozon-Valdes sa "Chika Minute", sinabi niyang masaya siya dahil maraming Kapuso stars ang kalahok sa Metro Manila Film Festival.
“It's MMFF time again, sana ay suportahan natin lahat ng pelikula ngayong MMFF. Pinaghirapan 'tong lahat, nakikita ko naman na parang exciting, kasi ang gaganda ng lahat.
“At siyempre, abangan 'yung mga Kapuso stars sa ibang pelikula.”
RELATED CONTENT: MMFF 2025 entries and their MTRCB ratings