
Iba talaga pumili ng sasakyan si Elsa Manaloto, este si Manilyn Reynes.
Maraming netizen at pati din ilang celebrities ang humanga sa van ng Pepito Manaloto actress nang ipinasilip niya ito sa Instagram kamakailan lang.
Base sa post ng versatile Kapuso star, ibinahagi niya na bago siya sumabak sa taping para sa kanyang sitcom ay nagpa-interior and exterior detailing ito.
Bukod pa diyan, naisipan din ni Mane na ipa-upgrade din ang kanyang sasakayan.
Napa-wow ang mga celebrities tulad nina Jestoni Alarcon at Denise Barbacena sa ganda ng kotse ni Manilyn Reynes.
Tuloy-tuloy na din ang taping ng award-winning Kapuso show na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, makikita sa Instagram page ni Manilyn din na tumatalima ang mga artista at production ng show sa mahigpit na protocol para mapanatiling COVID-free at safe ang lahat nang sasama sa taping.
Idagdag pa diyan na mandatory ang swab testing para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
“Team Pepito Manaloto! Today, nagpa-swab test po kami. Lahat naka-face mask, face shield at nag-observe ng social distancing.
“Sumusunod po kami sa patakaran ng aming Kapuso Network GMA 7, and we are happy to comply. Thankful po kami sa pag-a-alagang ibinibigay nila. Nakatakip man ang mga bibig, dama ang ngiti at pagmamahal sa aming mga puso
RELATED CONTENT:
#Yayamanin: A peek inside Manilyn Reynes' customized van