
Sinariwa ng Pepito Manaloto star na si Manilyn Reynes ang pelikula na ginawa niya noon kasama ang award-winning teen star na si Julie Vega.
Sa Instagram post ni Mane kahapon, June 10, ipinasilip niya ang isa sa eksena nila ng dating co-star sa Regal Films movie na Dear Mama.
Ilan sa mga bida rin sa naturang pelikula ay sina Miss Gloria Romero, Janice De Belen, Rey “PJ” Abellana, at Direk Laurice Guillen.
Ilan sa mga netizen ang nag-react sa short video clip na ibinahagi ni Manilyn at maraming napa-throwback sa pelikula nila na ito ni Julie Vega.
Namatay si Julie Vega o Julie Pearl Postigo sa totoong buhay noong May 6, 1985.
Heto at ating balikan ang naging buhay at showbiz career ng magaling na aktres sa gallery below.