
Isa sa mga tinaguriang Queen of Horror Films ay ang Pepito Manaloto star na si Manilyn Reynes dahil sa pagganap niya sa ilang bersyon ng horror anthology movies na Shake, Rattle and Roll. Ngunit sa second installment ng pelikula, tila nagkatotoo ang mga kUwento sa kanilang horror movie.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, December 4, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang kuwento ng direktor nilang si Peque Gallaga.
Pag-alala ni Boy, “Ito ba 'yung parang may mga crowd scenes tapos parang may nakikita siyang kasama sa mga eksena na hindi naman?”
Kinumpirma naman ni Manilyn na kinukwento nga iyon ng batikang direktor sa kanila. Pero pag-amin ng aktres, hindi niya maalala kung totoong may nangyari ngang ganoon.
BALIKAN ANG HORROR STORIES NG IBA PANG KAPUSO STARS SA GALLERY NA ITO:
Wala man sa set mismo ng pelikula, isang nakakatakot naman na karanasan ang nasaksihan ni Manilyn at ng kanyang pamilya bago pa magsimula ang taping para dito.
Pag-alala ni Manilyn, “Before filming, meron, exorcism. Sa harap naming family. Nakita ko. Nag-change siya talaga, nag-change 'yung voice, tapos sinasabi sa 'kin na 'Ikaw dapat, e.'”
Sabi pa ng aktres, nagtatapang-tapangan pa siya noon nang kumprontahin ang sinaniban, ngunit inamin din ni Manilyn na nanginginig na siya noon.
“Sabi ko, 'Sabihin mo hindi ako takot sa kanila,'” sabi ni Manilyn.
Inalala rin niya ang payo ng kanyang daddy na huwag titingnan sa mata ang sinaniban, at idiniin ang importansya ng pagdarasal.
Bibida muli si Manilyn sa ika-17 bersyon ng pelikulang Shake, Rattle, and Roll na ipapalabas sa Metro Manila Film Festival sa December 25. Pagbabahagi pa ng aktres, ito na ang ika-anim na pelikula ng naturang horror anthology movie na kasama siya.
Nang tanungin naman siya ni Boy kung anong bersyon ng pelikula ang pinakapaborito niya, sagot ng aktres, “Siguro 'yung pinaka sobrang takot na takot kasi ang mga tao, 'yung Shake, Rattle and Roll 2, Aswang with Tito Rez Cortez, yes, Tito Peque Gallaga. 'Yun 'yung with Ana Roces.”
Panoorin ang panayam kay Manilyn dito: