GMA Logo Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento episode on June 6
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Manilyn Reynes, pinapayuhan si Jake Vargas na hindi masamang humindi

By Aedrianne Acar
Published June 3, 2026 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paddles, politics, and the pulse of New York: DCG Adrian Cruz bids farewell
Over 800 delivery riders in Davao get cash aid
The Rose is bringing 'Rosetopia' to PH before indefinite hiatus

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento episode on June 6


Ipinaliwanag ni Manilyn Reynes kay Jake Vargas na nakakasama rin sa sarili kapag hindi tayo natututong humindi sa mga tao.

Malalim na ang relasyon ng Pepito Manaloto co-stars na sina Manilyn Reynes at Jake Vargas na mahigit 16 na taon nang magkasama sa flagship Kapuso sitcom.

Mas lalong nakita ng viewers at fans ang mother-and-son relationship ng dalawa nang sumalang sila sa Fast Talk with Boy Abunda kahapon, June 2.

Tanong ng King of Talk Boy Abunda kay Jake, “Pero kapag may pinagdaanan kang personal, kunwari sa personal na buhay, paano naman umalalay ang isang Manilyn [Reynes]?"

“Minsan po kasi nag-oopen up ako sa kanya sa buhay-buhay ko. 'Paano ba 'to? Paano ko sisimulan 'yung ganito? Paano ba ako magre-react?'” sagot ng Kapuso heartthrob.

Nagbigay pa siya ng specific advice ng kanya ni Mommy Manilyn tungkol sa pagpapakatotoo lalo na at hirap siya tumanggi.

Paliwanag ni Jake sa Fast Talk, “Hindi ka [dapat] basta-basta umo-oo. Kasi, ako po 'yung taong laging oo ng oo. Kahit hindi ko naman gusto 'yung ginagawa. Hindi po ako marunong humindi.”

Sundot na tanong ni Tito Boy kay Manilyn, “Ano'ng advice 'yung ibinibigay mo sa mga pagkakataon ganun?”

“Sabi ko sa kanya, you can say no na hindi ka feeling guilty. Kasi kung ayaw mo gawin, then don't. It's very hard to do! Kaya nga e. 'Ano ba ang importante sa'yo? Yung sumaya sila o ikaw?'”

Dagdag niya, “Siyempre kailangan mo rin sumaya e. Before ka naman maka-extend ng happiness at ng love sa ibang tao, you have to love yourself first, too.”

Reaksyon naman ni Tito Boy sa mga sinabi ng kanyang guest, “It takes a journey though, lalo na 'pag pamilya ang hirap humindi. Pero, may nagsasabi nga na, 'Saying no is power' Pero sa pamamaraan ng pag-hindi, sa pamamaraan ng paglatag at 'yung guilty, kasi importante na huwag ka ma-guilty.”

Pepito Manaloto star Manilyn Reynes and Jake Vargas

Source: Fast Talk with Boy Abunda

Huwag palampasin ang renewal of vows nina Pepito (Michael V). at Elsa (Manilyn Reynes) ngayong June 6 sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, 7:15 p.m., pagkatapos ng pilot episode ng The People Have Spoken.

RELATED CONTENT: Throwback: Off-cam bonding ng Pepito Manaloto actors

RELATED CONTENT: MANILYN REYNES' BEST-KEPT PHOTOS