GMA Logo Manilyn Reynes and Aljon Jimenez
source: manilynreynes27/IG
Celebrity Life

Manilyn Reynes, thankful sa asawa at manager na si Aljon Jimenez

By Kristian Eric Javier
Published April 16, 2024 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Manilyn Reynes and Aljon Jimenez


Masaya at thankful si Manilyn Reynes sa kaniyang forever love team at asawa na si Aljon Jimenez.

Sa dinami-rami ng naging ka-love team ng Pepito Manaloto star na si Manilyn Reynes, nahanp din niya ang kaniyang panghabangbuhay na kapareha sa asawa niyang si Aljon Jimenez. Ayon pa sa aktres, napakaswerte niya sa kaniyang napangasawa dahil sa pagiging understanding at open-minded nito sa kaniyang trabaho.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Manilyn na bukod sa mga eksenang kinukunan para sa serye, naiintindihan din umano ni Anjo ang lahat ng kailangan niyang gawin para sa trabaho.

“'Wag ka nang uuwi, maaga ka naman aalis, minsan wala ka for a few days, ganyan, pero maswerte ako dahil ang asawa ko ay manager ko pa,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktres, importante rin na pag-usapan nilang mag-asawa kung ano talaga ang gusto nilang gawin at kung saan sila papunta “bilang asawa, bilang manager.”

“Maganda kasi na alam namin talaga kung ano 'yung goal namin so hindi kami nagka-clash du'n,” aniya.

“Importante talaga to always talk about it. 'Pag-uusapan nyo; you sit down and you say, 'Do we need to do this, Do we need to do this? Do we have to do this? Do we want to do this?'” dagdag pa ni Manilyn.

Bukod pa sa relasyon nila ni Anjo bilang talent at manager, very thankful din si Manilyn sa relasyon nila bilang mag-asawa. Bukod sa pagiging supportive nito sa kaniyang career ay responsible rin ito bilang asawa at ama.

“Alam mo, bukod sa pagiging manager, bukod sa mga bagay na marami niyang ginagawa, sobrang bihira kang makakita ng tao na nandyan, may oras para sa'yo, na he cares for you,” sabi ni Manilyn.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang dali mo sabihin na 'It's okay, everything will be okay, I'll take care of it,' pero saan? Hindi lang ba sa akin, pati sa mga bata at sa lahat ng bagay.”

Ipinagluluto rin daw sila ni Aljon at madalas ay hatid-sundo pa nito ang kanilang mga anak mula sa school.

BALIKAN ANG BEST-KEPT PHOTOS NINA MANILYN AT ALJON SA GALLERY NA ITO:

Samantala, aminado rin si Manilyn na noong nagsisimula pa lang sila ni Aljon ay naiinis siya sa mga taong humuhusga noon sa kaniyang asawa na wala umano itong ginagawa.

“Napaka-unfair kasi hindi mo kilala 'yung tao, 'wag ka nang magsalita,” sabi ni Manilyn.

“'Yung ang akala lang nila kung sino lang 'yung napapanood kasi nila, siya lang ang kilos pero hindi kasi ganu'n. Mas mahirap ang ginagawa niya kasi kung manager siya, so inaayos niya lahat, pati 'yung dealings, hindi ba?”

Kinuwento rin ni Manilyn na bukod sa pagiging manager niya at sa pag-aalaga ng kanilang mga anak, pumasok rin sa negosyo si Aljon, ngunit hindi na nagbigay pa ng detalye ang aktres.

“Nakaka-frustrate lang nung nag-uumpisa kami lalo, 'yung daming sinasabi, ang dami mga mema (may masabi lang), 'yung ganu'n,” sabi niya.

Sa huli ay nagpaalala ang aktres, “Ito, 2024, tigilan na natin 'yung ganiyan.”Pakinggan ang buong interview ni Manilyn dito: