
Puno ng life lesson ang naging session ng award-winning comedienne na si Manilyn Reynes sa Your Honor nitong Sabado, September 27.
Pinatawag siya ng House of Honorables para maging resource person sa session nila na “In Aid of Hatian: 50/50 ba Dapat ang Relasyon?”
Sa Your Honor, bukas na ikinuwento ni Manilyn kung paano nila hinandle ni Aljon Jimenez, mister niya for 34 years, kung may hatian ba sila in terms of the family finances.
Mariin na sinabi ni Manilyn na hindi siya naniniwala sa 50/50.
“Hindi totoo” aniya. Sumunod na paliwanag ng Kapuso actress, “Kasi alam mo puwede naman kung sino 'yung kumikita ngayon maglagay ka dito. Malay mo ako naman wala akong kita today. Oh, e di hindi muna.
“Tapos, siya naman.”
Dagdag pa ng Pepito Manaloto talent sa Your Honor, “Alam mo kaya nga kayo magkatuwang e, hindi naman kailangan 50/50. Mag four ako, mag four ka rin, hindi ganun. Magbigay ako, magbigay ka rin. Hindi! Para sa akin, ah. Of course, we don't have anything against people or couples na nag-aagree na ganun dapat 50/50 di ba. Hindi po natin yan binabalewala rin.”
“Kasi yan naman ang agreement n'yo. Pero, para sa akin, sa amin ni Aljon [Jimenez] kahit na ano! Ano maibigay mo, magkano maibigay mo. Ito ba ilalagay natin?”
May tip din ang former That's Entertainment star para sa couples na maganda na meron silang iba't ibang account for their specific needs.
“Tsaka, tip lang noh, maganda rin na hindi lang iisa ang account. Meron kayong matutulog na money, hindi n'yo ito-touch. Meron kayong money na panggastos lang talaga para sa bills n'yo and all. Meron kayong, oops! Ito kahit ano'ng mangyari yan na yan ah. Steady lang yan.”
“That way kasi alam n'yo saan napunta? Wala kayong tanungan, because you know and you never, never, never fight about money sa totoo lang.”
Watch the full interview of Pepito Manaloto star Manilyn Reynes in the video below!
THROWBACK PHOTOS OF MANILYN REYNES AND ALJON JIMENEZ