GMA Logo Lassy and Chad Kinis
Source: Chad Kinis (YT)
What's Hot

Manliligaw ni Lassy, nanindigang handa itong maghintay sa kaniya

By Aedrianne Acar
Published February 13, 2026 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P18M marijuana, guns seized in Sulu drug ops
Marcos' impeachable offense? Sara Duterte says signing 2025 budget
J Brothers On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Lassy and Chad Kinis


Bago ang Valentine's Day, 'It's Showtime' host Lassy Marquez may pa-“hard launch” sa kaniyang suitor.

Special guest ng Beks Battalion member na si Chad Kinis sa kaniyang vlog ang good friend niya na si It's Showtime host Lassy Marquez para sa isang natatanging Valentine's Day episode.

May pa-”hard launch” si Lassy sa kaniyang manliligaw na si Ken.

Tanong agad ni Chad sa suitor ng BFF, “Kaya mo bang mahalin si Lassy?” Sagot naman ni Ken, “Opo, kaya nga po ako nandidito.”

Dito inamin ng binata ang kanilang real score at hinihintay pa niya ang matamis na “Oo” ng comedian-host.

“Actually, hindi ko pa nga po alam. Hindi pa po kasi siya nag-aano e. Ako kasi go na po ako, 100 percent na po ako.”

Sabat ni Lassy, “Ako na lang inaantay.”

Nagbigay naman ng sweet message si Lassy kay Ken. “Ken, Salamat sa pagtitiyaga mo. Asawa?” natawang hirit ni Lassy. “Thank you, Ken napakabait mo, napakabuti mong tao at salamat din sa pagpapasaya sa akin. [Pati] sa mga tulong mo minsan, minsan 'pag nahihirapan ako ikaw 'yung gumagawa. Thank you, Ken.”

Tumugon naman ang manliligaw, “Totoo 'yung pagmamahal ko sa'yo, tsaka willing gawin lahat sa'yo. Kaya ako nandidito, kaya ako nag-effort kasi mahal kita.”

“Ano pa ang inaantay mo?” pag-uusisa ni Chad Kinis kay Lassy.

Paliwanag naman niya, “Alam mo 'yung paunti-unti na lang, ayoko kasi madaliin lahat ng bagay. Kasi, nanggaling na ako sa alam mo 'yung relasyon na minadali. Ganun pa rin nangyari, so pare-pareho kasi.”

Wala naman daw problema kay Ken na hintayin maging ready si Lassy. Aniya, "Kaya ko po maghintay, kahit gaano pa po katagal.”

RELATED GALLERY: Inspiring celebrity LGBTQIA+ couples