
Pilit na pinagtatapat noon ang cosmetic surgeon na si Dr. Manny Calayan at dermatologist na si Dra. Vicki Belo.
Karamihan sa kanilang mga pasyente ay mga sikat na artista kaya binansagan silang "doctor to the stars".
Sa latest episode ng Kay Susan Tayo! Vlogs online show, nagsalita na si Dr. Manny tungkol sa umano'y alitan nila ni Dra. Vicki. Matatandaan na nagbitaw ng kontrobersiyal na pahayag ang dermatologist sa dating Kapuso talk show na Showbiz Central hinggil sa kanilang mga celebrity client.
Ani Dr. Manny, "No'ng nagme-medicine ako, nagpa-practice na s'ya. Parang inaydol ko s'ya tapos naging magkalaban na kami."
Paglilinaw niya, "healthy competition" naman daw ito at walang bad blood sa pagitan nila ni Dra. Vicki.
"Meron s'yang clinic dito sa building na 'to. Minsan nagkakasabay kami sa elevator. [Sinasabi ko], hay naku, pinagsasabong na naman tayo."
Ayon kay Dr. Manny, may positibong epekto ang pagkakaroon ng kakumpitensya dahil "lumakas lalo" ang kanyang negosyo.
Kung anuman daw ang naging tensyon sa pagitan nila ni Dra. Vicki noon, matagal na iyong tapos.
Panoorin ang buong episode sa video sa ibaba.
Related feature: Dr. Manny Calayan addresses allegations of botched surgeries, rivalries, and more in new interview