Celebrity Life

Manny Pacquiao at Apl de Ap, nagpakitang gilas sa rapping

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Dumagdag sa listahan ng celebrities na bumisita kay Manny Pacquiao ang international singer at Filipino-American member ng Black Eyed Peas na si Apl de Ap. 
By AL KENDRICK NOGUERA

Dumagdag sa listahan ng celebrities na bumisita kay Manny Pacquiao ang international singer at Filipino-American member ng Black Eyed Peas na si Apl de Ap.

 

Ab workout with #Pacman himself @mannypacquiao!! #teampacquiao #ProudPinoy #maypac

A photo posted by Apl.de.Ap (@apldeap) on


LOOK: Celebrities who visited Pacquiao in LA

Ayon sa ulat ng Unang Balita, sumabay sa ensayo ni Pacman si Apl de Ap. Pero bukod sa workout kasabay si Pacquiao, ang pinaka-highlight ng pagbisita ng international singer ay nang magpakitang gilas ang Pambansang Kamao sa pagra-rap.

Confident at nakangiti si Pacman habang binibitawan ang mga linyang ito.

"Ang bandila ng Pilipinas sabay-sabay itaas. 'Pag dalawang puwersa ang nagsanib lalo pang lalakas. Bawat suntok umiigkas ang kalaban sa sakit. 'Pag napuruhan sa panga sa sahig humahalik. Nayayanig ang mundo, lahat napapasigaw. Sa kaliwa't kanang bitaw nitong si Manny Pacquiao."

WATCH: Pacquiao at Apl de Ap, nagpagalingan sa pagra-rap. 

Hindi naman nagpahuli si Apl de Ap at pinalitan niya ang ibang lyrics ng Bebot na kanta ng Black Eyed Peas.

"Hoy pare, pakinggan ninyo 'ko. Heto na ang tunay na Filipino. Pacquiao galing sa General Santos. Pumunta sa LA para manalo. Para makatulong sa nanay dahil sa hirap ng buhay. Pero masaya pa rin ang kulay, 'pag kumain nagkakamay. 'Yung kanin, chicken adobo, 'yung balut ibinebenta sa kanto. Itagay mo na nga ang baso, pare ko, suntukan na tayo."