GMA Logo Manny Pacquiao and Jack Ma Foundation donate COVID19 test kits
What's Hot

Manny Pacquiao at Jack Ma Foundation, nag-donate ng karagdagang 50,000 COVID-19 test kits

By Jansen Ramos
Published May 14, 2020 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada continues to pose rain, wind threats over Luzon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Manny Pacquiao and Jack Ma Foundation donate COVID19 test kits


Sumatotal, mahigit 100,000 COVID-19 test kits na ang nai-donate ni Senator Manny Pacquiao at ng Jack Ma Foundation.

Nagbigay si Senator Manny Pacquiao at Jack Ma Foundation ng karagdagang 50,000 PCR (Polymerase chain reaction) COVID-19 test kits at iba pang essential supplies sa Philippine General Hospital at San Lazaro Hospital sa Maynila.

Ayon sa Facebook post ng GMA News ngayong Huwebes, May 14, iba pa ito sa 57,000 test kits na idinoneyt ng boxing legend at philanthropic organization noong nakaraang buwan.

Sumatotal, mahigit 100,000 test kits na ang naimbag ng nasabing donors.

Noong March 17, inanunsyo ni Sen. Manny na nakipagtulungan siya sa Chinese business magnate na si Jack Ma para makalikom ng test kits para malabanan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19